Hindi lahat ng mga pumapasa sa pagsusulit ay masasabing mabuting guro. Hindi rin sukatan ang taglay niyang pambihirang kakayahan o karunungan, kundi sa dami ng estudyanteng kanyang natulungan at nabigyang gabay. Kung ano kami ngayon ay utang naming sa inyo lahat, kayo na nagtiyagang turuan kaming magbasa, magsulat at magbilang. Wala kayong ibang hinangad kundi ihanda kami para sa kinabukasan. Ipinaintindi ninyo ang mga bagay na di namin maunawaan, mga bagay na inakala naming hindi kayang manamnam. Sa bawat segundo na lumilipas ay sinisiguro ninyong makuha namin ang mga dapat malaman. Hindi mo pinapalagpas ang pagkakataon na mapunan ang aming mga isip ng kaalaman na maari naming gamiting sandata para sa kinabukasang haharapin.
Sa oras na ito, nais namin kayong bigyan ng importansiya. Maraming salamat sa lahat ng mga pag-uunawa, pagmamalasakit at sa panahon na iyong iginugol upang turuan kami ng iyong assignatura. Sa bawat araw na iyon ay ipinaparamdam ninyo ang pagmamahal ng isang pangalawang ina, hindi man kami nagmula sa inyo, ay itinuturing niyo pa rin kaming tunay na anak. Anak na binibigyang proteksyon sa bawat oras, sinasaway sa bawat maling iyong napupuna at pagmamahal na walang hinahangad na kapalit. Hindi mo lang iminulat ang aming mga nakapiring mata sa realidad ng buhay kundi tinulungan mo kami sa pagbibigay halimbawa at karanasan. Nais naming kunin ang panahong ito upang humingi ng tawad sa lahat ng mga pagkakamaling aming nagawa. Sa pagsuway sa iyong mga bilin, pagiging maingay sa iyong klase noong tayo’y magkasama pa. Kahit ganito ang mga nangyayari ay binibigyang konsiderasyon niyo pa rin ang aming mga nagagawa. Hindi mo lang kami tinuruang maging estudyante, hinubog mo pa ang aming sarili upang maging isang tunay na tao.
Tanging tagumpay lamang ang makapagpapasaya sa lahat ng iyong pagsisikap at mga nagawa sa amin. Umasa kayo na hindi namin kayo bibiguin, pagsisikapan naming abutin ang aming mga pangarap upang sa maliit na bagay na iyon ay aming masuklian ang kabutihang iyong inalay. Lagi niyo sanang tatandaan na kahit tayo ay magkalayo, kailanman ay hindi namin kayo malilimutan at mahal na mahal namin kayo.